Sunday, July 8, 2012

Date with...

To the highest level ang pagkagala ko lately. Noong nakaraang linggo, invited ako ni bestfriend na samahan siya gumala. E ako naman ay kaladkarin ng slight kaya go agad ako. Ilang buwan din naman kasi kaming hindi nagkita. Namiss niya siguro ako, ayaw lang niya sabihin. Haha! Pero madalas kaming magkakausap thru text. Update dito, update doon. 

Naging sumbungan na rin namin ang isa't isa; mga reklamo namin sa buhay lalo na sa mga taong nagugustuhan namin. Nakakatawa lang kasi ang aarte namin kung maka-reklamo e parang boyfriend kami ng kras namin. Hahaha!

Anyways, nag-umpisa ang gala namin sa SM Annex, pinapa-check up niya kasi ang cp niya. Then, nag-lunch kami sa Landmark food court, na hindi naman din ako nabusog. Super gutom na ako noon kaya pinatulan na lang ang food. Wala ng arte arte pa basta ma-kruduhan lang ang seksi body ko. Hahaha!

Tapos, bumalik kami sa SM and this time sa SM North naman kami nagpunta para tikman ang yogurt ng yogi berry. Pagkatapos kumain, tumambay kami sa VIPinoy (di ako sure kung sa SM ay VIPinoy o sa Ayala Malls).

Bumalik ng Trinoma para naman tumambay doon sa Global Pinoy (again di ako sure kung Global Pinoy ang sa Ayala Mall o sa SM ba. Nakakalito! Hahaha! ). Then, nag stay kami ng ilang oras, nag net doon dahil free naman siya. Free din ang coffee if you want pati tubig free din. 

Medyo bata pa ang oras noon kaya inaya naman ako ni bestfriend na mag MOA. Go ulit ako! Haha! Walang kapaguran. Feeling artista lang dahil nag mo mall tour. Hahaha! Pero di ko na kinaya ang gutom kakalakad at kakaikot sa mall. Hilo much na ako! Kaya inaya ko siyang mag Goldilock pagdating sa MOA.

At wag ka, pareho pala kaming nagutom. Hahaha. Inorder namin yong unlimited rice sa Goldilocks parang promo yata nila. Pagkatapos kumain, ikot na naman kami tapos tumambay ulit sa VIPinoy sa MOA doon kami nag stay ng matagal, kwentuhan, tinutukso pa ako ng kumag na yon. Lintik siya! Gumaganti! Lol

So, natapos ang buong araw namin sa pag inom ng Jamba Juice. Good bye! :)


Talamats po bestfriend. At nice seeing you again!