Saturday, May 26, 2012

Sanayan lang yan!

Unang dalawang buwan kong kinumbinsi ang sarili ko na wala siya sa tabi ko. Sa unang dalawang buwan na iyon, ay pinangarap kong maging akin siyang muli. Sa unang dalawang buwan na iyon, ay gusto ko siyang balikan. Kaso nga lang, may iba siyang mahal. Ang saklap lang kasi hindi ako yon. Lol!  

Sanay sa mga text messages niya sa umaga, sa hapon at sa gabi. Minsan, nilalandi niya pa ako e. Nagpapalandi din kasi ako. Tsarut! Sanay ako sa mga pangungulit niya. At nasanay ako sa mga tanong niyang, "Saan ka na?" "Bahay ka na ba?" "Huy! Magreply ka naman. Saan ka ba?" ganyan!

Pinakawalan ko siya dahil gusto kong maging masaya siya sa taong mamahalin niya. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na kung mahal mo ang isang tao, marunong kang mag-let go.

Pero...akala ko maging masaya siya noong pinakawalan ko siya. HINDI pala! Nalulungkot siya, nasasaktan. Ma-weirdohan ka sa amin dahil ex niya ako pero sa akin siya nagsusumbong o maglabas ng sama ng loob dahil sa taong mahal niya. Naguluhan ka? Haha! Basta ganyan. Naging maayos din naman ang paghihiwalay. 

Dati, iniisip ko siya araw-araw gabi-gabi, pero ngayon...sanay na ako!

Oo, masarap maging single pero minsan maramdaman mong mahirap mag-isa. :)

No comments:

Post a Comment